Bakit Sinusuportahan ng mga Kabataang Filipinx ang mga Wet’suwet’en sa Pagtatanggol sa kanilang Lupang Katutubo?

Maari ring makita ang pahayag sa wikang Ingles at Pranses.
Tandaan: Nakasulat sa Ingles ang sangguniang naka link sa artikulong ito.

Mariing kinukondena ng Anakbayan-Canada, kasama ng mga balangay at mga kaakibat na organisasyon nito, ang estadong settler-kolonyal na Canada sa pag-atake sa mga katutubong Wet’suwet’en na nakikibaka para sa kanilang lupang ninuno at lumalaban sa pangangamkam ng kumpanyang Coastal GasLink. Naninindigan at nakikiisa ang progresibong mga kabataan at estudyanteng Filipinx sa buong “Canada” sa mga Wet’suwet’en upang igiit ang kanilang soberanya at sariling pagpapasya sa kanilang lupang ninuno.

Bilang mga Filipinx na kabilang sa kilusang Pambansa Demokrasya, pinag-aaralan natin ang ating kasaysayan ng pakikibaka upang maunawaan ang kalagayan ng ating bayan sa kasalukuyan.

Bilang mga Filipinx na nakatira sa labas ng bayan, responsibilidad nating matutunan at unawain ang kasaysayan ng mga unang pangkating nanirahan sa lupaing naituturing na nating tahanan.

Sino ang mga Kaaway

Sa pananaliksik at pag-aaral ng kasaysayan, batid natin na sinasakatawan ng Royal Canadian Mounted Police (RCMP) ang establisiymentong militar at nagpagpapatupad ng mga kapital-kolonyal na batas ng estado.

Ang pagsalakay ng militar nang nakaraang linggo sa Wet’suwet’en ay ang pinakahuli sa palasak na karahasan sa kanilang komunidad at pangangamkam ng kanilang lupain. Sinusupil ng mga imperyalistang naghaharing-uri sa Canada ang mga nag-aalsang katutubo sa pamamagitan ng mersenaryong RCMP—sadyang walang kasing sahol ang sistemang ipinatutupad. 

Ito ang parehong estadong kolonyal na umatake sa Gidimt’en checkpoint noong Hunyo nakaraang taon. Ito rin ang bumitay kay Louis Riel taong 1885. Ito mismo ang estadong kolonyal na nag-atas sa militar sa umatake sa Kanien’kéhaka, ang estadong kolonyal na namaril sa mga 77,000 Sun Dancers sa Gustafsen Lake, ang estadong kolonyal na malawakang at walang pakundangang pinipiit ang mga katutubo.

Ito rin ang parehong estadong kolonyal na nagnakaw ng mga katutubong bata sa kanilang mga pamilya at sapilitang ipinatupad ang asimilasyon habang pinapatay ang kanilang kultura nang ilang dekada. Ito ang kasalukuyang estado na patuloy na kumikidnap sa mga katutubong kabataan gamit ang mapang-ibabaw na “child-welfare system.”

Alam din natin na garapal ang imperyalistang estado ng Canada kapag sariling pang-ekonomiyang interes nito ang nakasalalay. Isinasawalambahala nito any Anuk Nu’at’en (Batas ng Wet’suwet’en), habang isinasantabi ang mga karapatan ng mga ninunong sa mga nauna nang mga kasunduan gaya ng Delgamuukw v. British Columbia at United Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples (UNDRIP)

Mula Turtle Island hanggang Pilipinas

Bilang mga aktibistang tuon ang pag-aaral sa ating sariling bansa, internasyunalistang tungkulin natin ang iguhit ang ugnayan ng paglaban ng mga katutubo dito at ang mga pakikibaka ng mga katutubo at tagapagtanggol ng lupa sa Pilipinas.

Tulad ng pakikipaglaban ng Wet’suwet’en upang igiit ang kanilang mga tradisyunal na batas tungkol sa kanilang mga lupain, gayon din ang paggiit ng pangat (pinuno) na si Macli-ing Dulag, ng tribong Butbut, sa bodong (kasuduang pangkapayapaan) upang iorganisa ang mga katutubong Kalinga at Bontoc laban sa proyektong Chico Dam ng diktaduryang Marcos.

Gaya ng paghimok ng Wet’suwet’en sa kanilang karapatan ng Malaya, Panguna at Maalam na Pahintulot (Free, Prior and Informed Consent) sa anumang proyekto na nakakaapekto sa kanilang mga teritoryo, gayun din ang mga katutubong lider sa Pilipinas sa pagtuligsa sa mga bogus na FPIC na nagbigay-daan sa development aggression ng mga dayuhang kumpanya papasok sa kanilang mga komunidad.

Kung paano nanatiling matatag at di matinag sa harap ng brutal na panunupil ng estado, militarisasyon, at kriminalisasyon ang Wet’suwet’en, gayun din nananatili ang mga organisasyong pangkat minorya sa Pilipinas nang walang tinag sa gitna ng red-tagging, pang-aapi, at extrajudicial killings.

Sa katunayan, magkakatulad ang mga diskarte ng pasismo ng estado sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Nang ilabas ng reaksyunaryong pamahalaan ng Piilpinas ang listahan ng diumanong mga terorista Pebrero taong 2018, kabilang dito ang ilang aktibistang mga katutubo, tulad ni Vicky Tauli-Corpuz, mula sa pangkat Kankana-ey, at UN Special Rapporteur on the Rights of Indigenous Peoples. Kasama rin dito ang mga “Maria” at “Jose” o mga placeholder sa mga indibidwal na walang kasiguraduhang maidadagdag kinalaunan. Bunsod nito ang malawakang pagtarget ng mga awtoridad sa kahit sinumang naiisin nila. Ganito ang kahalintulad na taktikang ginamit ng kumpanyang Coastal GasLink laban sa Wet’suwet’en Enero taong 2019.

At ang ugat ng pagsalakay sa lupang Wet’suwet’en ay para sa mga kapitalistang kumpanya ng Canada upang kumita nang labis, gayon din ang Barrick Gold, Oceana Gold, TVI Pacific, at maraming iba pang mga kumpanyang minahan na tumutubo sa panghihimasok, pandarambong, at pagwasak sa mga lupang katutubo at kapaligiran.

Paano nakakapagdulot ng kabangisan ang mga naghaharing uri ng Canada laban sa mga katutubo rito, tulad ng ginagawa ng naghaharing uri ng Pilipinas laban sa mga pangkat minorya sa Pilipinas? Anong nagbibigay kapangyarihan sa naghaharing uri sa Canada, at paano ito konektado sa kapangyarihan ng mga naghaharing uri ng Pilipinas?

Tunggalian ng Karaniwang Kaaway

Nais nating linawin na sa huli ay karaniwang ang kalaban ng mga katutubo ng Turtle Island. Ang kalaban na iyon ay ang pandaigdigang sistema ng Kapitalismo at Imperyalismo, maging sa porma ng settler-kolonyal na nakadirekta sa mga katutubo sa loob ng bansang tinaguriang Canada, o paluwas sa ibang bansa tulad ng Pilipinas.

Kaalinsabay ng walang sahol na karahasan sa katutubong Wet’suwet’en sa ngalan ng tubo, nakikisabwat ang iilang naghaharing-uri sa Canada sa ibang mga imperyalista at mga traydor na makapili sa Pilipinas sa pagbenta, pangangamkam at pagsasamantala sa mga mamamayan ng Pilipinas.

Nakatuntong tayo sa ninakaw na lupa dito sa Turtle Island, at nag-uugat tayo sa lupang ninakaw din sa atin. Nararapat lang na tayo, bilang sambayanang nagdusa rin sa patuloytuloy na karahasan ng kolonisasyon at imperyalismo, ay kumilos nang may pakikiisa sa Wet’suwet’en at iba pang mga pakikibaka, hanggang sa tagumpay.

Matatagpuan ang ating konkretong kontribusyon sa pakikibaka gamit ang kaalaman sa ating rebolusyonaryong kasaysayan at ang mithiing pambansang kalayaan. Ang pagkamulat sa ating kasaysayan ay nangangahulugan ng pag-unawa kung paano ang imperyalismo, pyudalismo, at burukratang kapitalismo ay nagtulak sa ating mga pamilya palabas ng bansa bunga ng kahirapan, kawalan ng lupa, at kawalan ng oportunidad.

Sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng iba pang mga Filipinx progresibong kabataang at mag-aaral at masikhay na pagsulong ng Pambansa Demokrasya at ang kakayahang maitaguyod ang ating kabuhayan sa Inang Bayan, maaari nating malunasan ang ugat ng migrasyon at pag-eksport ng ating lakas paggawa. Maaari nating mapanghawakan ang pamamalagi sa mga lupang katutubo. Itinuturo sa atin ng kasaysayan na, kung tutustusan natin ang ating mga sarili ng pagkakaisa at organisasyon, posible ang tunay na pagbabagong panlipunan.

Ito ang mga dahilan kung bakit nanawagan tayo sa mga kapwa kabataang Filipins sa buong Turtle Island na labanan ang pandaigdigang sistema ng Imperyalismo at Kapitalismo. Sumali sa pandaigdigang kilusang anti-imperyalista at anti-pasista sa pamamagitan ng pag-anib sa pakikibaka para sa pambansang kalayaan. Sumali sa Anakbayan upang samasama nating labananan karaniwang kaaway.

Mabuhay ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa buong daigdig!

#WetsuwetenStrong
#AllEyesOnWetsuweten
#NoPipelinesOnStolenIndigenousLand
#ActivismIsNotACrime

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: